Matapos ang ilang pagpupulong kasama ang College of Arts and Sciences Dean nominees at sectoral consultations na dinaluhan ng mga iba’t ibang student organizations at sectok, inendorso ng CAS student council at ng mga student organization si Dr. Rommel Gestuveo bilang susunod na CAS Dean.
Ayon sa ipinalabas na anunsyo ng CAS SC, si Gestuveo ang kumakatawan sa student agenda na inilahad ng konseho mula nang mag-umpisa ang Dean selection. Ang mga agenda na ito ay base sa consolidated needs at demands ng mga mag-aaral ng UP Visayas, kabilang ang pag uphold sa pro-student policies, pagtaguyod ng student representation, pag prioritize sa student support, at pagtaguyod sa mga karapatan ng iba’t ibang sektor gaya ng mga manggagaw sa loob at labas ng unibersidad.
Dagdag pa ng CAS SC, ang Vision Paper at mga kasagutan ni Gestuveo sa kanilang consultation ay nagpapatibay sa pro-student at pro-people leadership na hinahanap ng student body at kinakailangang katangian ng isang CAS Dean.
Kasama sa mga nagpahayag ng suporta kay Dr. Gestuveu ang UPV Clovers, UPV Biological Society, UPV PH Pub, Samahang Sikolohiya, UPV Libertas, UPV Kamaragtas, Komsai.org, at UPV Oeconomicus.
Ulat ni: Terrence Masigon
Larawan mula sa: UP Visayas Official







Leave a comment