Nito lamang March 28, nagpadala ng sulat Gng. Farisal Bagsit Ph.D, Vice Chancellor for UP Visayas bilang tugon sa ipinadalang inquiry ng UP Visayas University Student Council ukol sa isyu ng kakulangan ng tubig at ang problema sa internet connectivity sa kampus.
Ayon kay Dr. Bagsit, ang admin ay kasalukuyang nagmomonitor sa lebel ng tubig na mula sa Tumagbok River na siyang pangunahing pinagkukunan ng tubig sa Miagao campus. Muli ring binuksan ang nagawa nang dug well para makatulong sa pagpapanatili ng water supply.
Dagdag pa niya, may bagong pinagawa na mga pansamantalang dug well ang UPV upang maparami ang water production at matugunan ang pangangailangan ng mga constituent.
Nagsimula ang water shortage sa kampus noong unang linggo ng Marso at kasalukuyan pa ring kinakaharap ng unibersidad kung saan hanggang alas 9:00 ng gabi lamang ang supply at bumabalik tuwing alas 4:00 ng umaga.
Ulat ni: Rhyan Lumagalan







Leave a comment