Inilunsad ng UP Visayas University Student Council, All UP Academic Employees Union, at All UP Workers Union nitong March 31 ang the UPV Fair, isang concert tour sa UP Visayas, na gaganapin ngayong April 23 hanggang 25 sa UPV Football Field.
Ang The UPV Fair ay may temang Silakbo: Hugyaw kang Katilingban kag Pag-himakas Tubtob sa Pang-punsodnon nga Demokrasya kag Kahilwayan.
Ani ng UPV USC, ang fair na ito ay isang pagpupugay sa lahat ng naging karanasan at tagumpay sa taong 2023-2024 at muling pagpapatunog ng kampanya kontra PUV Modernization Program kalakip ang nakaambang Jeepney Phaseout at maging ang kampanya laban sa iniraratsadang Charter Change ng administrasyong Marcos.
Sa kasalukuyan, iniimbitahan ang UPV students na mag volunteer sa iba’t ibang committee ng kauna-unahang The UPV Fair habang ang mga bandang aabangan sa nasabing concert tour ay ipapakilala pa lamang sa mga susunod na araw.
Ulat ni: Lara Palay
Larawan mula sa: The UPV Fair Official







Leave a comment