Sa bisa ng Executive Order No. 47, sinuspinde ng Iloilo City government nitong April 1 at 2 ang lahat ng klase mula pre-school hanggang Senior High School bunsod ng matinding init na umabot sa 42 degrees heat index.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, ang 42 degrees na heat index ay nabibilang sa “danger” level kung saan pwedeng makaranas ang isang indibidwal ng heat cramps, pagkapagod, at heatstroke kapag matagal na nakababad sa initan.
Sa kabuuan, nasa 246 na eskwelahan na ang nagdeklara ng pagsuspinde ng klase sa nasabing mga araw sa buong Western Visayas at ang iba naman ay nag transition pabalik sa modular at online classes.
Tinitingnan pa ng local government kung ma-eextend ang suspension na ito, depende sa heat index forecast para sa mga susunod na araw.
Ulat ni: Junel Arellano







Leave a comment