Music has never been just music. It transcended mere sound.
It is a language, a medium for communication, inspiration, and catalyzing change.
Sa Pilipinas, ang musika bilang sangkap ng rebolusyon ay hindi na bago. Sa kasagsagan ng Batas Militar noong dekada ‘70, iilang banda tulad ng The Jerks at ASIN ang nagsimulang magpabatid ng social inequality at pagkondena sa mga kahindik-hindik at nakakikilabot na gawain ng gobyerno lalo na sa panahon ng diktadurang Marcos Sr. Ang social relevance ng kanilang mga awitin, sa likod ng maraming taong nakalipas, ay nananatiling pertinente sa kasalukuyang Pilipinas.
Hindi maikakaila na maraming bibig na binusalan, ginaping demokrasya , at nasayang na buhay dahil sa marimarin na pamumuno ng diktador na si Marcos Sr. Ang kanyang rihemen, kilala bilang isa sa pinakamadilim na parte ng kasaysayan ng Pilipinas, ay hindi lamang nagdulot ng maraming pinsala sa buhay, ekonomiya, at lipunan; nag-udyok rin ito ng mas pinalakas na puwersa ng mamamayan sa pamamagitan ng militansyang pakikipagrebolusyon laban sa lumalalang kapit ng imperyalismo sa bansa, kawalan ng pagkakapantay-pantay at labis na kahirapan ng mga magsasaka at manggagawang bukid dahil sa pyudalismong pinaiiral ng mga ganid na panginoong maylupa, at sa mga naghaharing-uri na mas pinapaboran ang mga kapitalista at dayuhang mamumuhunan.
Sa “Bagong Pilipinas,” hindi pa rin nawawala ang nag-aalab na puso ng mga rebolusyunaryo. Nariyan pa rin ang mga kantang naging sandata ng iilan upang palakasin ang diwang makabayan sa tunggalian ng masang-api at ng kawalan ng nakabubuhay na sahod, inekwalidad, at iba pang sistemikong suliranin ng lipunang Pilipino. Ang mga bandang Musikangbayan, The Axel Pinpin Propaganda Machine, Pordalab, The Prolets, The General Strike, Plagpul, at iba pang solo artists ay patuloy na nagbibigay ng tinig at nagpapalabas ng mga awiting sumasalalim sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan.

Musikangbayan at the UP Visayas Fair 2024 | PAGBUTLAK/Krizelle Blanza/File Photo
Hindi maikakaila na isang makapangyarihang instrumento ang paggamit ng musika sa mga usapin ukol sa mga kaganapan sa ating lipunan dahil ito ay nakaka-engganyo, at isang uri ng sining na taos-pusong iniintindi ng karamihan sa mga tagapakinig.
Kapag ang mga awitin, rebolusyon, at diwa ng nasyonalismo ay nagsama, makiki-indak ka ba sa saliw ng musika?
A Throwback We Don’t Want: Zild’s Dekada ‘70
Isang miyembro ng bandang IV of Spades, si Zild Benitez, o mas kilala sa screen name na Zild, ay naglabas ng isang synth-pop masterpiece matapos ang mga kaganapan sa 2022 Presidential Elections. Ang awiting ito, sa pandinig ng isang casual listener na walang political and social awareness, ay maaaring gamitin for aesthetic purposes sa kanilang IG stories o kaya’y TikTok videos.
Sa likod ng pagpapamalas ng mang-aawit ng galing sa paglikha ng catchy earworm na awitin, ay isang mensaheng hindi lang napapanahon, kundi isa ring nakakakilabot na pagkakataon para sa mga Pilipino.
Isang trip down to memory lane ang unang bahagi ng kanta dahil tila’y nagkukwento ang mang-aawit sa mga tagapakinig tungkol sa mga pangyayaring naganap noong dekada ‘70 – isang madilim na yugto ng kasaysayan ng Pilipinas sa pamumuno ng diktador na si Marcos Sr.
“Balikan ang kwento ng / panahong walang palag, marami ang bulag / natunaw ang habag sa taong lumabag / ‘di ka niyan pagbibigyan / huhulihin ka agad, wala ka nang palag.”
Zild’s vocals hauntingly retells the events of the past, which is a perfect build-up to the blasting and rebellious production on the chorus; “Umiikot lang ang panahon / ang bagong dekada sitenta!” Zild made the listeners experience the 70s Philippines through his song–the 70s during the Marcos dictatorship where human rights abuses were happening callously, corruption was at an immensely high peak, and speaking up is merely an option because calling out the government can be a cause of your untimely demise.
Zild gave us this experience through a song, while at the same time recognizing that the Dekada ‘70 is happening again because a Marcos is once again seated in the highest government office—in the throne.
Ang awitin ay isang iyak, sumbat, at poot — all in one. Iikot at iikot lang ang panahon, ang mga nangyari ay mauulit lang nang mauulit kung patuloy ang pagbubulag-bulagan.

Artistang Radikal Para sa Bayan performing at the first ever UP Visayas Fair, April 26, 2024| PAGBUTLAK/Krizelle Blanza/File Photo
The Spirit of Activism: Khryss Arañas’ Tagumpay ay Isinusulong
Known for his progressive and tibak anthems, Khryss Arañas gives a glimmer of hope for change in Tagumpay ay Isinusulong.
Sa likod ng magandang tinig at emosyon sa pag-awit ni Khryss ay isang mensahe na hindi dapat kalimutan. Lahat ng tinatamasa sa kasalukuyan ay dahil sa patuloy na pakikibaka at paglaban ng mga progresibo at mga rebolusyonaryo. Ang awitin ay hindi nagkulang sa pagbibigay-pugay sa mga makabagong bayani ng bayan. Nagsisilbing paalala ang awit na ang laban ay malayo pa sa tapos–na hangga’t ang mga naghaharing-uri ay mas inuuna ang pansariling interes, ang pakikidigma tungo sa tunay na kalayaan ay mainam–isang obligasyon na pupunan ng mga nasasadlak.
Ngunit saan nga ba lulugar ang aktibismo kung patuloy na hindi dinidinig ng gobyerno ang mga sigaw at hinaing ng mga masang-api? Kung patuloy ang militarisasyon at mangmamasaker sa mga pesante’t indigenous people sa kanayunan? Kung ang sahod ng mga manggagawa ay hindi na nakabubuhay sa gitna ng lumalalang krisis pang-ekonomiya? Kung saan ang edukasyon ay ginagawang commodity upang makalikha ng murang lakas-paggawa na pakikinabangan lamang ng ibang bansa? Kung ang mga progresibo at rebolusyunaryo ay patuloy na pinapatahimik, hinaharass, at pinapatay?
Ang sagot: sa lansangan, sa eskwelahan, sa pabrika’t pagawaan, sa sakahan, sa kalunsuran, sa kanayunan—kung saan naroroon ang masang pinagsadlakan at pinamamalupitan. Dahil ayon nga sa kanta, “Pagkakaisa ng masa ang pinagmulan ng pwersa.”
Aside from being a symbolism of hope and persistent activism, the song is also reflective of the daily struggles and aspirations of the progressives and revolutionaries to shed light on the injustices that the masa face daily. Salamin ang kanta sa mga pinagdaan ng mga kagaya nina Jhed Tamano, Jonila Castro, Eco Dangla, at Jak Tiong na mga environment defenders na inubduct ng puwersa ng estado, Dexter Capuyan at Bazoo de Jesus na mga Cordillera activists na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin, ni Teacher Chad Booc, ni Frenchie Mae Cumpio at ng buong Tacloban 5 na nakakulong pa rin dahil sa mga gawa-gawang kaso, at iba pang patuloy na nakararanas ng pang-aatake mula sa puwersa ng estado.
Baliktarin ang Tatsulok
Kilala mo ba si Totoy? Kawawa naman siya. Mistulang bata na naipit sa gyera… Is there a more popular song in Pinoy tibaks than the infamous triangle? Originally released as a folk song by the band Buklod in 1991, Tatsulok moved its mountain with the Bamboo version in 2007. Pero hindi naman ito tungkol sa kung sino ang mas magaling na umawit, o kung ano ang mas sumikat na bersyon. Ito ay tungkol sa herarkiya na bumabatik sa lipunan—isang modelong nagpapakita ng tunggalian at dibisyon sa pagitan ng mga social classes sa kapitalistang mundo.
Nevertheless, it is the song’s message that stood the test of time. Because indeed, opresibo ang tatsulok. Ang istruktura nito ay nakabatay sa kawalan ng katarungang panlipunan na inuugatan ng gutom, diskriminasyon, at karahasan. The song itself seems like a conversation, as if ang singer ay kinakausap si Totoy, nagtatanong, nagbibigay paalala, at ibinubunyag ang kaganapan sa paligid niya. “Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo / ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo / Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan / At baka tamaan pa ng mga balang ligaw / Totoy makinig ka, wag kang magpa-gabi / Baka mapagkamalan ka’t humandusay diyan sa tabi.”
As expressive and powerful as the singing and production, the message also does not fail in its department. The song asserts the presence of a tatsulok in the society, and the need for it to be dismantled because as long as the ones who are on the top are self-serving, justice will remain elusive for the poor, perpetuating endless chaos. And as long as the root causes of poverty remain unresolved, more and more people will choose to wage revolutions striving for systemic change to establish a just and equitable society.
We have seen instances of tatsulok firsthand. In Duterte’s drug, we’ve witnessed how the poor and vulnerable were relentlessly targeted, victimized, and subjected to brutal death while those who are true culprits revel in impunity, getting plump with their fortune and power while laying on their opulent thrones. And now, as another Marcos at the helm with his own version of ChaCha, the echoes of history’s injustices reverberate louder than ever—isang malakas na pahiwatig ng pagpapalakas ng puwersang masa upang tuluyang baliktarin ang tatsulok.

PAGBUTLAK/Krizelle Blanza/File Photo
I Got the Power: Ben&Ben, SB19’s Kapangyarihan
Contemporary P-Pop has become prominent in recent years with the rise of various groups such as BGYO, SB19, BINI, and ALAMAT. These groups earned a tremendous amount of fans in just a few years, and with their influence, impact, and fame caused by their talents and visuals, having a progressive and meaningful song is a cherry on top.
Sa kolaborasyong ito ng musical duo na Ben&Ben at P-Pop group na SB19, naisilang ang kantang maaaring awitin, sayawin, at gamitin bilang isang mensahe ng pakikibaka at rebolusyon tungo sa pagbabagong panlipunan. Perhaps, the song’s most powerful moment is the repetition of the three-word refrain heard throughout the song’s duration; “Nagsisilbi ka dapat…” which is a poignant reminder to those in power–that they should serve the people and not perpetrators of atrocities and injustices. It resonates as the masses’ call for accountability and responsibility to prioritize the welfare of the marginalized and address systemic inequalities.
However, this line may pertain as well to the common citizens to serve the people and community and establish a strong sense of nationalism. Matagal ng napatunayan na sa kolektibong aksiyon ng masa, mas epektibo ang boses at pagkilos–na kaya nitong baguhin at gapiin ang opresibong sistema upang makamit ang pagbabagong hinahangad. Ika nga ni Mao Zedong, “the people, and the people alone, are the motive force in the making of world history.”
Ben&Ben and SB19 are two of today’s biggest Pinoy acts, and it is such a refreshing take to see big mainstream artists become politically aware—which some artists are scared to do. Sa kasagsagan ng pandemya noong Disyembre ng 2020, pumutok ang isyu kung saan walang habas na binaril ng pulis na si Jonel Nuezca ang mag-inang Sonya at Frank Gregoryo na naging rason ng kanilang kahindik-hindik at nakakapanlumong kamatayan. Matapos ang official statement sa pakikiisa sa mga biktima ay naisulat ng Ben&Ben ang awitin at dito makikita kung ano ang epekto ng mga tunay na kwento at suliranin sa paggawa ng isang awitin na may kakayahang pumukaw ng mga isyu sa lipunan.
“Kapangyarihan” is a reminder that the true power lies within the mass line, and those who sit in government should serve these masses, not their own interest—which is exactly what is happening in the current Philippine society. It is indeed alarming and scary to witness the extent of self-serving behavior among our leaders. Ngunit, mahalaga rin bilang bahagi ng linyang masa na kilalain at igiit ang ating likas na kapangharihan–kapangyahirang hindi ipinagkaloob sa atin ng ninuman, kahit ng institusyong ating kinabibilangan, bagkus, ito ay likas sa ating kolektibong pagkakakilanlan.
Sa kasalukuyang panahon, buhay pa rin ang diwa ng musikang sinimulan ng mga progresibong mang-aawit noong 90s. Lantad man o hindi ang mensaheng rebo na ipinapahiwatig ng mga makabagong artista ng bayan, patuloy na magiging tudlaan ang musika ng nag-aalab na diwa ng mamamayang makabayan.
Ang musika ay isang plataporma. It has managed to evolve and stood the test of time upang maging patuloy na instrumento sa pagpapalaganap ng kamalayan at pagbunyag ng mga panlalapastangan sa likod ng opresyon, militarization, land-grabbing, commercialization, development aggression, kurapsyon, at patayang tinataguyod ng estado. Tulay ang musika sa patuloy na tawag para sa pagbabago. Ang ingay na dala nito ay boses ng lipunan, hindi magpapasindak, at tinatanggihan ang pagpapatahimik ng mga maniniil.

Kobe Patrick Serinas is a senior student at the Division of Humanities taking up Bachelor of Arts in Communication and Media Studies. He joined Pagbutlak in 2022 and became the publication’s first ever Cultures Editor in 2023.







Leave a comment